Mga Testimonya
Noong 2007, nakasama ang sasakyan ko sa isang aksidente Ang aking kaibigian na noo’y aking pasahero ay nakipagusap mismo sa ICBC. Ako nama’y lumapit sa Metrotown Law Group. Sa aking pagka-alam, ay sampung beses na malaki ang aking nakuha sa ICBC kaysa sa kanya at di ko pa kinailangan pang mismong makipagusap pa sa ICBC.A.M., Surrey
Noong 2004, dumating ang aking anak na lalaki ditto sa Vancouver bilang isang international student galing Korya. Matapos ang isang buwan pagdating niya, nabundol siya ng isang kotse habang siya ay tumatawid sa isang bawal na tawiran. Alam namin na siya ang may sala. Ako’y nag-aalala dahil wala siyang insyurans at di siya permanenteng resident ng Kanada. Kami ay humingi ng tulong sa Metrotown Law Group. Hinawakan nila ang aming kaso at kami ay nakakuha ng magandang kasunduan. Mula noon pumapasok ang aking anak sa iskuwela na walang pangamba.
E.K., mother of T.K., Vancouver
Noong 2007, ako’y sinugod ng isang aso. Lumapit ako sa Metrotown Law Group at nabigyan nila ako ng magandang kasunduang labas so usapang korte. Naibigay nila ng labing dalawang beses na malaki ang nakuha kong damyos kaysa sa aking inaakala. Personal kong inirerekomenda ang Metrotown Law Group sa lahat ng klaseng kaso na inyong kahaharapin.
D.H., Vancouver
Noong 2007, arestado ako ng pulis sa kasong pagmaneho ng sasakyan na wala sa wastong kakayahan dahil sa alkohol at sinabi kong wala akong kasalanan. Ako ay di pinaniwalaan ng pulis at sinampahan ako ng kaso. Ipinagkatiwala ko ang aking kaso sa Metrotown Law Group at nakumbinse nila ang “Crown prosecutor” na isarado ang aking kaso bago pa man makarating sa paglilitis. Pinapangalagahan ko ang nagawa nila para sa akin,
J.Z. North Vancouver
Noong ako’y anim na buwang buntis, nagkaroon ako ng matinding sakuna sa sasakyan. Ipinaliwanag ng Metrotown Law Group sa akin ang buong proseso at ibinigay sa akin ang isang magaling ng duktor. Binisita nila ako sa bahay ng ilang beses upang pagusapan ang kaso. Ito’y nakapagbigay ng kumpiyansa sa akin.
J.T., Surrey
Anim na taon ko ng kilala ang Metrotown Law Group. Maraming beses na nila akong natulungan patungkol sa aksidente sa sasakyan at mga usaping kriminal. Lagi akong nabibigyan ng magandang resulta. Sila’y aking naging kaibigan.
F.F., Surrey
Bago pa lang ako sa Kanada noong ako ay sinampahan ng kaso ng pulis dahil sa di ko pagpayag sa breath sample. Ako’y nangagamba sa gastusin sa abugado. Ang Metrotown Law Group ang humawak sa aking paglilitis, at binawasan ng kalahati ang aking bayaring ligal at ang mahalaga sa lahat ay ako’y napawalang sala dahil sa nilabag ng mg pulis ang aking karapatang ligal nang hindi ko naintindihan ang mga sinabi nilang gagawin ko.
R.L., Richmond
Sa edad ng 65, nabangga ang likuran ng aking minamanehong sasakyan sa “highway”. Nasaktan ang aking balikat. Ang Metrotown Law Group ang nag-ayos para sa aking MRI at nagpadala sila sa bahay ng mga bihasa para suriin ang aking pangangailangan. Sa huli ay nabigyan ako ng kasunduang maganda ng ICBC.
S.G., Vancouver Island
Ito ang mga kasong totoong nangyari mula 2004 hanggan 2010. Ang mga testimonyang ito ay hindi nangangahulugang pareho ang magiging resulta ng ibang kaso dahil ang mga nasabing kaso ay may ibat-ibang pangyayari.


