Ang Serbisyo Naming Alay
Serbisyong Ligal Sa Ibat-ibang Wika
Dito sa Metrotown Law Group, kami ay naniniwala na ang lahat ay karapat-dapat mabigyan ng mataas na kalidad ng serbisyong ligal sa
isang wika na kanilang naiintindihan. Di tulad ng iba na nagbibigay lamang ng isang interpreter, ang aming mga “linguistic specialists”
o mga bihasa sa kanya-kanyang wika ang hahawak sa inyong kaso at gagabay sa inyo sa bawat hakbang nito. Hindi lang wika ninyo ang aming
naiintindihan kung di pati ang inyong kultura. Puwede rin naming hingan ng tulong patungkol sa inyong kaso ang mga duktor, therapists,
counselors at iba pang mga propesyonal na nakakaintindi ng inyong wika at nakakaalam sa inyong pinapangalagahan na handang tumulong sa inyo.
Pagdating sa oras ng pagkakaayos at pagkakasundo ng inyong kaso o paglilitis, sinisiguro namin na ang wika at kulturang inyong pinanggalingan
ay bibigyang halaga at gagamitin para sa inyong kapakanan.
Paunang Konsultasyon na Walang Bayad
Dito sa Metrotown Law Group, kami ay naniniwala na bawat potensiyal na kliyente ay dapat mabigyan ng isang propesyonal na konsultasyong ligal
kung pag-uusapan ang isang kaso. Kaya ang inyong paunang konsultasyon sa amin ay libre kung ang inyong kaso ay sakop ng aming ekspertiya, Kung
sa aming palagay ay hindi namin mahahawakan ang kaso ninyo puwede naming irekomenda ito sa ibang abugado o law firm na makakatulong sa inyo.
Walang mawawala sa inyo kung kayo ay tatawag. Ang inyong maagang pagtawag sa amin ay mangangahulugang pagkapanalo ng inyong kaso at maagang
proteksiyon ng inyong karapatang ligal.
Dalubhasang Medikal na Pagsusuri
Dito sa Metrotown Law Group alam namin na ang kasong personal injury ay napapanalo o natatalo sa pamamagitan ng nga ebidensiya. Ang ibang
ebidensiya ay napapatungkol sa opinyong medikal. Kami ay may kontak sa ibat-ibang espesyalista na magbibigay ebidensiya pabor sa inyong kaso.
Ang aming maraming karanasan sa personal injury ay makakatulong sa pagpili ng isang dalubhasa para sa inyo at kami ang sasagot ng mga gastusin
hanggang sa pagtatapos ng inyong kaso.
Pagbisita ng Tahanan at Ospital
Dito sa Metrotown Law Group, alam namin na mahirap ang kumilos sanhi ng isang matinding aksidente kaya kami ay bumibista sa tahanan o ospital
kung saan nandoon ang kliyente. Kung kayo ay nasaktan o nasugatan sa isang aksidente at nahirapang pumunta sa aming tanggapan, kami ang lalapit
sa inyo… at ito’y walang dagdag na bayad. Dadalhin namin ang mga papel at dokumentong inyong kailangan, bibigyan namin kayo ng bihasang ligal na
konsultasyon at uumpisahan namin ang inyong kaso bago pa man kayo makalabas ng ospital. Sa ganitong paraan, protektado ang inyong karapatang ligal
magmula pa sa umpisa.
Apointment para sa Gabi at Sabado
Dito sa Metrotown Law Group, binibigyan naming halaga ang tiwalang binibigay sa amin ng aming kliyente sa pagabot ng serbisyong ligal. Kung kayo
ay pumapasok sa trabaho o iskuwela o may lakad kasama ang pamilya na sanhi at dahilan ng hindi ninyo pagpunta sa aming tanggapan sa regular na oras,
ang aming tanggapan ay bukas hanggang gabi at Sabado, at kung kinakailangan, Linggo. Tawagan ninyo kami. Huwag ipagwalang bahala ang inyong karapatang
ligal sa dahilang mahirap humanap ng abugado.
24 Oras ng Hotline
Dito sa Metrotown Law Group, batid namin na minsan ay hindi puwedeng ipagpabukas ang inyong problemang ligal. Sa dahilang ito, bukas ang aming
hotline ng 24 oras sa wikang Mandarin at Ingles at inyong makakausap ang isa naming senior manager. Kung sakaling di masasagot ang inyong katanungan,
siya ay may kontak 24/7 kaninuman sa isa naming propesyonal. Sinisiguro naming mabilis ninyong makukuha ang tulong na ligal na inyong kailangan.
Buong Serbisyo Habang Tumatakbo ang Inyong Kaso
Dito sa Metrotown Law Group, kami ay naniniwala na makakamit ninyo ang tagumpay sa kaso at magiging masaya kung ang bawat kliyente ay may
nakatutok na isang “case manager” na nakakaalam sa bawat aspeto ng inyong kaso at matutugunan ang inyong pangangailangan sa bawat hakbang ng
inyong kaso.