Metrotown Law Group, Burnaby Law Group, Vancouver Law Group,ICBC Cases, Insurance Claims, Unjust Dismissal

Contact Info

Metrotown Law Group
402-4211 Kingsway,
Burnaby, BC
Phone: 604-568-9597
Fax: 604-568-4597
Email :  info@metrotownlawgroup.com

Kami ay bukas tuwing
Lunes- Biyernes ika-9 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon
Apointment sa Gabi At Katapusan ng Linggo ay maari
 

Icbc Lawyers Burnaby

Mga Testimonya

Noong 2007, ang aking sasakyan ay nakasama sa sakuna. Ang aking kaibigan na aking pasahero ay mismong nakipagusap sa ICBC at ako naman ay lumapit sa Metrotown Law Group. Nalaman ko na mas-malaki ng sampung beses ang aking nakuha sa ICBC kaysa sa aking kaibigan at di ko na kinailangan pang makipagusap pa sa ICBC.
Read More

A.M., Surrey




       Burnaby Lawyers, Car Accident Lawyers

Saan kami bihasa

Habol sa ICBC

Mahalagang bagay na dapat tandaan

Tamang oras – May mga limitasyon sa oras upang mahabol at pangalagaan ang inyong karapatang ligal. Sa mga may edad 18 pataas ay may dalawang taon mula sa araw na pangyayari ng aksidente upang habulin at sampahan ng kaso ang isang may salang partido. Kung hindi ninyo ito magagawa sa takdang oras ay mawawala ang inyong karapatan na magsampa ng reklamo. Ang pinakamabuting gawin ay kumunsulta agad sa isang abugado pag kayo ay nakasama sa isang aksidente at sa paraang ito ay maipaglalaban ninyo ang inyong karapatang ligal sa tamang panahon.

Benepisyong Pangkasiguradohan

Sinumang nasaktan sa aksidente sa sasakyan ay may karapatan sa dalawang benepisyo na galing sa ICBC. Una dito ang “no fault” na benepisyo kung saan makukuha ito ng isang tao kahit sinuman ang may kasalanan sa aksidente.Ang binabayaran ng benepisyong ito ay mga sumusunod:

* gastusing medikal at rehabilitasyon
* bahaging kapalit ng di matatanggap na sahod
* kabayaran sa di kakayahang gumawa ng pantrabahong bahay

Ang “no fault” na benepisyo ay karaniwang pinakamaliit na kabayarang makukuha sa pangkalahatan ng isang tao. Bahagi lang ang binibigay nito sa kabuuang gastos ng isang aksidente sa buhay ng isang tao.

Ang pangalawa ay ang “tort benefits”. Ito ay makukuha lamang ng mga taong nasaktan dahil sa kasalanan ng ibang tao. Ito ay bilang bayad sa isang taong inosente at walang kasalanan. Kasama dito ang mga sumusunod:

* Kabayarang pera kapalit ng sakit at paghihirap na nararamdaman
* Kapalit ng tinatanggap na suweldong pangkasalukuyang at tatanggaping panghinarap na suweldo na nawala
* Gastusin para sa pag-aalaga at anumang pa mang gastusin dahil sa aksidente

Ang halaga na makukuha sa “tort benefit” ay maaring malaki. Walang limitasyon ang puwedeng ibigay ng korte ngunit ito ay limitado lamang sa ibibigay na ebidensiya.

Paano Hahawakan ng ICBC ang Inyong Habol

Ang malaking kabayaran na tatanggapin ng inosenteng tao ay manggagaling sa iCBC bilang tagapasiguro para sa nagmamanehong may sala. Ang ICBC ay obligado sa nagmamanehong may sala upang ibigay ang posibleng pinakamaliit na kabayaran sa inosenteng tao. Ito ay kabaligtaran sa iniyong karapatan bilang taong walang sala na makakuha ng patas at sapat na kabayaran sa inyong mga sugat at pananakit na natamo.

Ang ICBC ay matutuwa kung kayo mismo ang kanilang kausap sa kadahilanang, kung kayo ay walang abugado, mapapapirma nila kayo ng mga dokumento na magbibigay ng inpormasyon na puwedeng gamitin laban sa inyo sa kasalukuyang kaso at sa mga hinaharap na kaso. Ang ICBC ay may “database” kung saan nakatago lahat ang inyong sinabi patungkol sa inyong kaso. Ito ay puwedeng gamitin laban sa inyo at wala kayong kaalaman kung kayo’y nabigyan ng isang patas na kabayaran.

Ang Trabaho Ng Isang Abugado
Ang katapatan ng inyong abugado ay sa inyo lamang. Ang katapatan na ito ay dapat na may kasamang talino at wastong kaalaman sa inyong ligal na karapatan upang ito ay ma protektahan. Sa katunayan 90% ng mga kasong “personal injury” ay natatapos sa pag-aayos na di na kailangan ang paglilitis. Sa pamamagitan ng inpormasyong ibibigay ninyo, magagawa ng inyong abugado na di gagamitin ng ICBC ito laban sa inyo. Mahalaga sa lahat, ang inyong abugado ang kakausap sa ICBC at anumang sinabi ninyo ay hindi magagamit laban sa inyo sa hinaharap.

Dahil ang bayad ninyo sa inyong abugado ay bahagi lamang ng mapapanalunan ninyo, ito ang magiging dahilan upang ang abugado ninyo ay pagbubutihin at gagawin ang lahat upang makuha ang pinakamalaking kabayaran na nararapat sa inyo sa ilalim ng batas.

Usaping sibil na kaso

Mga Mahalagang Bagay na Tatandaan

Kung kayo ay may pagtatalo kaninuman at di kayo magkasundo, sa korte lamang ang pupuntahan ninyo. Kung may nagsabi sa inyo na sasampahan kayo ng kaso, ito’y nangangahulugang usaping sibil ang kaso.

Dito sa British Columbia, may dalawang korte ang humahawak ng usaping sibil sa unang pagkakataon. Ito ang Provincial Court o tinatawag na Small Claims Court. Hawak ng korteng ito ang kasong may halagang mababa sa $25,000.00. Ang pangalawa ay ang Supreme Court. Hawak nito ang kaso na may halagang $25,000.00 pataas. Bawat korte ay may ibang sinusunod na mga patakaran. Ang pagpili ng korte kung saan babagsak ang inyong kaso ay nasa inyong abugado.

Maliban sa mga nasabing korte, mayroon din mga korte na hawak ang ibang aspeto na kasong sibil. Ang halimbawa ay ang Work Safe BC, kung saan hawak nito ang mga kaso ng mga nasaktan na mga manggagawa. Ang Residential Tenancy Board naman ay hawak ang mga kaso ng mga nag-papaupa at mga nangungupahan.

Ang mga abugado na may hawak ng mga kasong usaping sibil ay binabayaran kadalasan ng per oras. Ang halaga ay dipende sa reputasyon ng abugado at ang hirap ng kaso. Puwede ring humingi ng bayad ang abugado sa kliyente sa isang usaping sibil na kaso sa pamamagitan ng isang “contingency fee agreement”. Ito ay nangangahulugan na ang bayad ng kliyente sa kanyang abugado ay dipende sa makukuha niyang pera pagkatapos ng paglilitis ng kaso. Ito ay puwedeng gawin sa mga sumusunod:

* maling pagkatanggal sa trabaho,
* sexual harassment,
* batas patungkol sa trabaho,
* hindi pagkakaintindihan sa habol na kasiguruhan (insyurans)
* koleksiyon ng pautang

May mga pangyayari kung saan ang panalong partido ay makukuha niya sa natalong partdio ang bahaging ibinayad niya sa kanyang abugado sa pamamagitan ng “costs” o mga gastusin. Mas makakatipid kayo sa ganitong paraan kaysa dalhin ang kaso sa korte. Pakakatandaan lagi natin na karamihan ng mga usaping sibil na kaso ay nagkakasundo at di na kailangan ang paglilitis.

Batas Kriminal

Mga Dapat Tandaan

Hawak ng gobyernong pederal ang usaping kriminal na kaso dito sa Kanada. Ang “Criminal Code” ay ginawa ng goyernong pederal kaya ito ay isang batas pederal.Ang interpretasyon ng Criminal Code ay nakabase sa Charter of Rights and Freedom na bahagi ng Konstitusyon. Ang Konstitusyong ay pinakamataas na batas sa Kanada. May mga pagkilos na maaaring di aayon sa Criminal Code ngunit kapag ang pagsulat ng batas na ito o pag-papatupad ay hindi sangayon sa Charter of Rights, ang isang akusado ay maaring mapawalang sala o di itututuloy ang kasong kriminal na proseso laban sa kanya.

Sa batas kriminal, hindi lang mahalaga na ang isang tao ay ginawa ang krimen. Ito rin ay dapat patunayan ng estado na ang krimen ay ginawa ng akusado ng walang pagdududa at walang nilabag na karapatang Konstitusyonal laban sa akusado. Tandaan ninyo…

Kayo ay walang kasalanan hanggat ito ay di napapatunayan at
Kayo ay may karapatan sa maaaring pinakamagaling na dipensa.

Bago litisin ang inyong kaso, may usapin munang “plea bargaining” o pag-amin ng mas mababang kasalanan para sa mas magaang hatol. Kung malakas ang ebidensiya ng Crown laban sa inyong kaso, mas maliit ang posibilidad na payagan kayo ng Crown na umamin ng mas mababang kasalanan para sa mas magaan na hatol. Ang abugado ng akusado ang kukumbinse sa Crown na mahina ang ebidensiya laban sa kanyang kliyente upang makakuha ang akusado ng mas pabor na resulta kaysa sa magiging resulta nito kung lilitisin ang kanyang kaso. Pag nag-kasundo ang mga partido sila ay magsusumite ng “joint submission” at dadalhin ito sa Hurado.

Ang “joint submission” ay madalas palaging tinatanggap ng hurado base sa masusing kaalaman ng mga abugado kung saan umaasa siya sa mga rekomendasyon na ibinibigay sa kanya. Alam ng Crown, ang abugado ng dipensa at ang hurado na ang “plea bargaining” ay mahalagang proseso ng sistemang hudikatura.

Mahalaga na malaman ng korte ang mga personal na pangyayari sa akusado at ang kaso ng dipensa. Kapag ang isang tao ay napawalang sala, ito ang katapusan ng kaso. Kung siya naman ay napatunayang nag-kasala, ang hurado ay magbibigay ng hatol. Puwedeng mabawasan ng buwan o taon ang panahon sa kulungan na ibibigay sa akusado pagkatapos ng hatol kung ang kanyang abugado ay makapagbigay sa korte ng kanyang lalong pinaghandaang “sentencing brief” at ito ay tinanggap ng korte.