Usaping sibil na kaso
Usaping sibil na kaso
Mga Mahalagang Bagay na TatandaanKung kayo ay may pagtatalo kaninuman at di kayo magkasundo, sa korte lamang ang pupuntahan ninyo. Kung may nagsabi sa inyo na sasampahan kayo ng kaso, ito’y nangangahulugang usaping sibil ang kaso.
Dito sa British Columbia, may dalawang korte ang humahawak ng usaping sibil sa unang pagkakataon. Ito ang Provincial Court o tinatawag na Small Claims Court. Hawak ng korteng ito ang kasong may halagang mababa sa $25,000.00. Ang pangalawa ay ang Supreme Court. Hawak nito ang kaso na may halagang $25,000.00 pataas. Bawat korte ay may ibang sinusunod na mga patakaran. Ang pagpili ng korte kung saan babagsak ang inyong kaso ay nasa inyong abugado.
Maliban sa mga nasabing korte, mayroon din mga korte na hawak ang ibang aspeto na kasong sibil. Ang halimbawa ay ang Work Safe BC, kung saan hawak nito ang mga kaso ng mga nasaktan na mga manggagawa. Ang Residential Tenancy Board naman ay hawak ang mga kaso ng mga nag-papaupa at mga nangungupahan.
Ang mga abugado na may hawak ng mga kasong usaping sibil ay binabayaran kadalasan ng per oras. Ang halaga ay dipende sa reputasyon ng abugado at ang hirap ng kaso. Puwede ring humingi ng bayad ang abugado sa kliyente sa isang usaping sibil na kaso sa pamamagitan ng isang “contingency fee agreement”. Ito ay nangangahulugan na ang bayad ng kliyente sa kanyang abugado ay dipende sa makukuha niyang pera pagkatapos ng paglilitis ng kaso. Ito ay puwedeng gawin sa mga sumusunod:
* maling pagkatanggal sa trabaho,
* sexual harassment,
* batas patungkol sa trabaho,
* hindi pagkakaintindihan sa habol na kasiguruhan (insyurans)
* koleksiyon ng pautang
May mga pangyayari kung saan ang panalong partido ay makukuha niya sa natalong partdio ang bahaging ibinayad niya sa kanyang abugado sa pamamagitan ng “costs” o mga gastusin. Mas makakatipid kayo sa ganitong paraan kaysa dalhin ang kaso sa korte. Pakakatandaan lagi natin na karamihan ng mga usaping sibil na kaso ay nagkakasundo at di na kailangan ang paglilitis.


